Wednesday, December 13, 2017

Renaissance



  Ang Renaissance ay mula sa salitang Pranses na nangangahulugang "muling pagsilang". Ito ay panahong tunmutukoy sa muling pagsibol ng mga pagbabagong kultural. Sa panahong ito nagbago ang pananaw ng mga tao at tinalakdan nila ang mga pamahiin tungkol sa pagkakasakit ng tao at paniniwala at mga gawain ng panahong Medyibal. Tinularan ang pamumuhay at kultura ng Greece at Rome. Ang ganitong tunguhin ay umiral mula ika-14 hanggang ika-16 na siglo. Ang Renaissance ay isang panahon kung saan ang interes sa kalikasan ng mga mamamayan ay muling nabuhay. Binigyang-daan nito ang pagbabago sa iba't ibang larangan.

   Ang renaissance ay nangangahulugang muling pagsilang. Ito ay isang bagong pananaw na nagbibigay-pangako, tiwala, at sining sa mga tao sa Spain ang pumalit. Ang mga pagbabagong ito ang naghudyat sa simula ng isang bagong panahon na kinilala sa kasaysayan na Renaissance. Nagsilbi ring inspirasyon ang panahong ito sa mga mangangalakal. Ang diwa ng Renaissance ay nagbigay ng kalayaang intelektuwal na nagsilbing tuntungan sa pagpasok ng sumunod na panahon.


Repormasyon


  Sa panahon ng Renaissance, napasok ang Simabahang Katoliko sa isang magulong sitwasyon. Ang mga Kristiyano mula sa iba't ibang antas ng tao sa lipunan ay naging mulat sa nagaganap na katiwalian at makamundong gawain sa Simbahan. Mula sa bibig ng isang pesante, winika niya ang ganito: "Instead of saving the soul of the dead and sending them to heaven, the clergy gorge themselves at banquets after funerals. They are wicked wolves! They would like to devour us all, dead or alive". Mula sa ganitong damdamin, sumibol ang bagong panawagan para sa reporma. Sa Panahong Medyibal, nilinis ng Simbahan ang kanilang institusyon. Ngunit noong 1500, ang panawagan sa reporma ay nawasak sa pagkakaisa ng mga Kristiyano sa Europe, tinawag itong Repormasyon.

  Sa panahon ng Repormasyon ang simabahang katoliko ay napasok sa magulong sitwasyon. Ang mga Kristiyano mula sa iba't ibang antas ng tao sa lipunan ay naging mulat sa nagaganap na katiwalian. Noong 1500, ang panawagan sa reporma ay nawasak sa pagkakaisa ng mga Kristitano sa Europe at tinawag ito na Repormsyon. Noong ika-14 at 15 siglo, tinuligsa nina John Hus at John Wycliffe ang mga kaugalian ng Simbahang Katoliko. Ang kanilang paniniwala ay nag-ugat sa kanilang mga opinyon na ang Simbahan ay nagiging makamundo at tiwali.




Monday, December 11, 2017

Bourgeoisie


   Ang burgesya ay mga taong nasa gitnang antas ng lipunan na naging makapangyarihan at maimpluwensiya sa ekonomiya. Dumami ang ganitong mga uri ng tao noong Panahon ng Eksplorasyon. Kasingkahulugan ang burgesya ng pariralang mga kapitalista, mga nangangapital, mga namumuhunan at mangangakalakal. Ayon sa teoriya ni Karl Marx, ang mga burges ang katunggali ng mga proletaryo. Ang terminong bourgeoisie ay iniuugay sa mga mamamayan ng mga bayan sa medieval France na binubuo ng mga artisan at mangangalakal.


Ang burgesya ay naging makapangyaruhan at maimpluwesiya sa ekonomiya. Kasingkahulugan ng burgesya ang mga kapitalista, mga nangangapital, at ang mga namumuhunan. Ayon kay Karl Marx, ang burges ay katunggali ng mga proletaryo.

Merkantilismo


   Ang merkantilismo ay ang paniniwala ng bansa sa Europe na ang ekonomiya ang maaaring magpataas ng kapangyarihan ng isang bansa. Naniniwala sila sa prinsipyong pang ekonomiya kung kaya't tinatawag itong merkantilismo. Ang sistemang pangkabuhayan na nagbibigay diin sa akumbinasyong ginto at pilak, pagtatatag ng mga kolonya at regulasyon ng kalakalan panlabas upang pakinabangan ng bansang mananakop.

   Ang merkantilismo ay ang paniniwala ng bansa na ang ekonomiya ang maaaring magpataas ng kapangyarihan sa isang bansa. Ang merkantilismo ay naniniwala sa prinsipyong pang ekonomiya. Sistemang pangkabuhayan ang nagbibigay akumbinasyong ginto at pilak.


Sunday, December 10, 2017

Manoryalism

  Ang mga manoryalism o manoryalismo ay isang sistemang pang ekonomiya kung saan ang mga magbubukid ay nagbibigay serbisyo sa isang pyudal na hari o nagmamay-ari ng lupa kapalit ang proteksyon. Ang Manor ay isang malaking lupaing sinasaka . Ang malaking bahagi ng lupain ay umaabot ng 2/3, ay pag-aari ng lord. Ang Three Field System ay ang sistema ng pagtatanim na sinusunod ng manor, first field ay ang taniman ng gulay, bigas at etc. Second field ay tiwang-wang, at ang third field ay ginagamit bilang pastulan. Ang alipin ay pwedeng bilhin at ipagbili tulad ng isang hayop. Ang serf ay hindi maaaring umalis at paalisin ng manor. Ang freeman ay ang mga pinalayang alipin na kadalasang mayroong sariling lupa. Ang nayon ay kung saan naninirahan ang mga magbubukid ng sinasakang lupa, ang mga tirahan dito ay nasa magkabilang gilid ng isang makitid na daan. Ang kastilyo ay tirahan ng lord, itinayo ito upang ipagtanggol laban sa kaaway.

   Ang manoryalismo ay sistemang pang ekonomiya na nagbibigay serbisyo sa isang pyudal na hari o nagmamay-ari ng lupa kapalit ang proteksyon. Ang manor ang lupaing sinasaka. Ang three field system ay sistema ng pagtatanim na  sinusunod ng manor. Ang alipin ay pwedeng bilhin at ipagbili. Ang serf ay hindi pwedeng umalis o paalisin ng manor. Ang freeman ay ang pinalayang alipin. Ang nayon ay ang tirahan ng mga magbubukid. At ang kastilyo ay ang tirahan ng lord.


Saturday, December 9, 2017

Feudalism


  Ang pyudalismo ay isang matibay na institusyon na naiitatag noong panahong Medieval. Ang pyudalismo ay bunubuo ng tatlong bahagi, ang politikal, sosyo-ekonomiko, at ang militar. Ang pyudalismo o feudalism ay hango sa salitang "feodus" o "fief", na tumutukoy sa lupa na ibinibigay sa unang basalyo o vassal. Sa lipunan ng pyudalismo ang pinakamataas ay ang king o hari. Ang mga dugong-bughaw ay nagiging vassal ng hari dahil sila ay nagbibigay suporta, pera, at payo sa mga hari. Ang mga Vassal ay ang mga taong tumatanggap ng lupa mula sa lord. Ang Fief ang lupang ipinagkaloob sa mga vassal. Homage ang seremonya kung saan inilalagay ng vassal ang kanyang kamay sa pagitan ng kamay ng lord. Ang Investure ay isang seremonya din, ngunit gamit ang espada ipapatong niya ito sa balikat ng vassal. Ang Knight ay isang magandang alaala ng pyudalismo ang sistemang kalbalyero. Ang Chivalry ang dakilang gawain ng knight. Ang Chanson de guest ang tawag sa panitikan.

Ang pyudalismo ay isang matibay na institusyon na nagtatag noong panahon ng Medieval. Ang proseso ng pagiging knight ay mula sa kapanganakan hanggang 7 taong gulang, siya ay nasa pangangalaga ng ina. Habang bata siya ay tatanggap ng pagsasanay upang maging isang ganap at malakas na knight balang a raw. Pagsapit ng 14 taong gulang siya ay ipinadala sa isa pang lord. Bilang squire, tungkulin niyang sumama sa kanyang master sa mga tournament. Ang knight ay tapat at magalang, siya ay kilala sa pagiging matapang at malakas. Ang knight ay nakasuot ng chain mail o isang uri ng baluti na binubuo ng magkakabit na bakal. Ang Song of Roland ang paboritong chanson ng mga French ukol sa pakikibaka ni roland at ng twelve peer.