Sunday, December 10, 2017

Manoryalism

  Ang mga manoryalism o manoryalismo ay isang sistemang pang ekonomiya kung saan ang mga magbubukid ay nagbibigay serbisyo sa isang pyudal na hari o nagmamay-ari ng lupa kapalit ang proteksyon. Ang Manor ay isang malaking lupaing sinasaka . Ang malaking bahagi ng lupain ay umaabot ng 2/3, ay pag-aari ng lord. Ang Three Field System ay ang sistema ng pagtatanim na sinusunod ng manor, first field ay ang taniman ng gulay, bigas at etc. Second field ay tiwang-wang, at ang third field ay ginagamit bilang pastulan. Ang alipin ay pwedeng bilhin at ipagbili tulad ng isang hayop. Ang serf ay hindi maaaring umalis at paalisin ng manor. Ang freeman ay ang mga pinalayang alipin na kadalasang mayroong sariling lupa. Ang nayon ay kung saan naninirahan ang mga magbubukid ng sinasakang lupa, ang mga tirahan dito ay nasa magkabilang gilid ng isang makitid na daan. Ang kastilyo ay tirahan ng lord, itinayo ito upang ipagtanggol laban sa kaaway.

   Ang manoryalismo ay sistemang pang ekonomiya na nagbibigay serbisyo sa isang pyudal na hari o nagmamay-ari ng lupa kapalit ang proteksyon. Ang manor ang lupaing sinasaka. Ang three field system ay sistema ng pagtatanim na  sinusunod ng manor. Ang alipin ay pwedeng bilhin at ipagbili. Ang serf ay hindi pwedeng umalis o paalisin ng manor. Ang freeman ay ang pinalayang alipin. Ang nayon ay ang tirahan ng mga magbubukid. At ang kastilyo ay ang tirahan ng lord.


1 comment: