Wednesday, December 13, 2017

Renaissance



  Ang Renaissance ay mula sa salitang Pranses na nangangahulugang "muling pagsilang". Ito ay panahong tunmutukoy sa muling pagsibol ng mga pagbabagong kultural. Sa panahong ito nagbago ang pananaw ng mga tao at tinalakdan nila ang mga pamahiin tungkol sa pagkakasakit ng tao at paniniwala at mga gawain ng panahong Medyibal. Tinularan ang pamumuhay at kultura ng Greece at Rome. Ang ganitong tunguhin ay umiral mula ika-14 hanggang ika-16 na siglo. Ang Renaissance ay isang panahon kung saan ang interes sa kalikasan ng mga mamamayan ay muling nabuhay. Binigyang-daan nito ang pagbabago sa iba't ibang larangan.

   Ang renaissance ay nangangahulugang muling pagsilang. Ito ay isang bagong pananaw na nagbibigay-pangako, tiwala, at sining sa mga tao sa Spain ang pumalit. Ang mga pagbabagong ito ang naghudyat sa simula ng isang bagong panahon na kinilala sa kasaysayan na Renaissance. Nagsilbi ring inspirasyon ang panahong ito sa mga mangangalakal. Ang diwa ng Renaissance ay nagbigay ng kalayaang intelektuwal na nagsilbing tuntungan sa pagpasok ng sumunod na panahon.


No comments:

Post a Comment